Friday, April 17, 2026

Mga jeep sa Maynila ‘hihiramin’ ng LGU para sa libreng sakay program; mga lalahok na driver nasa P3K ang maiuuwi kada araw

Inanunsiyo ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila na sasagutin nila ang kita ng mga driver ng mga jeep para sa ikakasang libreng sakay.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, ito ay matapos magkasundo ang Local Government Unit (LGU) at ang mga pangulo ng 22 Jeepney Operators and Drivers Associations sa paghahandog ng libreng sakay sa gitna pa rin ng mataas na presyo ng petrolyo.

Sa ilalim nito, ang lokal na pamahalaan ang sasagot ng gastusin ng mga kalahok na jeep para masigurong may kikitain pa rin ang mga tsuper at operator sa pagbibigay ng libreng sakay.

Inaasahang makapag-uuwi ang bawat jeepney driver ng P3,000 kada araw depende sa unit na malaking bagay anila dahil sa mahal na presyo ng langis.

Nasa 1,400 na jeep ang lalahok na saklaw ang mga ruta mula Maynila at mga kalapit na lugar.

Sinabi naman ng alkalde na tinatayang nasa 100,000 pasahero ang makikinabang kada araw sa programang libreng sakay.

Facebook Comments