Nagpapatuloy ang pagbaba ng bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP) na ngayon ay nasa 413 na lamang.
Ito ay matapos na makapagtala ang PNP Health Service ng 91 na mga bagong gumaling at 26 na bagong kaso ngayong araw.
Matatandaan na walang pang isang buwan ang nakakaraan mula nang umabot ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa PNP sa “all time high” na mahigit 4,000.
Pero una nang sinabi ni PNP Chief PGen. Dionardo Carlos na dumami man ang nagpositibo sa virus sa kanilang hanay, karamihan naman sa mga ito ay asymptomatic o mild symptoms lang ang naranasan kaya mabilis gumaling.
Mula nang magsimula ang pandemya, 48,644 na ang mga tauhan ng PNP na tinamaan ng COVID-19 kung saan 48, 104 ang nakarekober at 127 ang nasawi.