Pangulong Duterte, magtatrabaho kahit sa huling araw ng kanyang termino

Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na trabaho pa rin ang aatupagin ni Pangulong Rodrigo Duterte hanggang sa huling araw nito sa pwesto.

Ito ang siniguro ng Palasyo sa gitna ng pinakahuling Social Weather Stations (SWS) survey na nagpapakitang very good pa din ang net satisfaction ratings ng Punong Ehekutibo kahit malapit nang matapos ang kanyang termino sa Hunyo.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Sec. Karlo Alexei Nograles, asahan ng mga Pilipino na patuloy na gagawin ng pangulo kung ano ang ikabubuti nang mas nakararami sa nalalabing mga araw nito bilang Presidente.


Paraan anya ito ng pagbabalik ng pangulo sa tiwala ng sambayanan na ipinagakaloob sa kanya na pinatotohanan ng latest SWS survey.

Kaugnay nito ay nagpasalamat ang Palasyo sa patuloy na suporta at walang sawang tiwala na ipinagkakaloob ng maraming mga Pilipino kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments