Aktibong kaso ng COVID-19 sa PNP, tumaas na naman

Muli na namang tumataas ang kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Batay sa pinakahuling tala ng PNP Health Service, may nadagdag na 124 na bagong nagkasakit sa kanilang hanay kaya mayroon nang 26,182 total confirmed cases sa PNP.

Ang mga ito ay nasa National Headquarters, National Capital Region Police Office at iba’t ibang police regional office.


Dahil dito, umabot na sa 1,878 ang aktibo nilang kaso ng COVID-19.

Good news naman dahil may 188 na mga bagong gumaling sa COVID-19 sa PNP kaya umabot na sa kabuuang 24, 233 ang recoveries sa PNP.

Wala namang nadagdag sa mga nasawi sa PNP, kaya nananatili ang bilang ng kanilang death toll sa 71.

Facebook Comments