Cauayan City, Isabela- Sumampa na sa isang libo (1,000) ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa buong lambak ng Cagayan.
Sa datos ng Department of Health (DOH) Region 2 kahapon, Enero 31, 2021, pitumpu’t dalawa (72) na bagong positibong kaso ng COVID-19 ang naitala sa rehiyon sa loob lamang ng isang araw.
Nagdadala ito sa kabuuang bilang ng positibo na 7,344 sa buong rehiyon.
Mayroon namang apatnapu’t isa (41) na COVID-19 Patients ang gumaling sa nasabing sakit at isa ang namatay.
Bukod dito, umaabot naman sa 6,213 ang naitalang total recovered cases sa rehiyon.
Sa kasalukuyan, nananatiling COVID-19 free ang probinsya ng Batanes habang pinakamarami namang naitala sa rehiyon ang lalawigan ng Isabela.
Facebook Comments