Aktibong Kaso ng COVID-19 sa Santiago City, Higit 20 na

Cauayan City, Isabela- Mayroon ng dalawampu’t dalawa (22) na aktibong kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Santiago.

Sa datos ng City Health Office, mula sa 22 active cases, apat (4) dito ay nasa pangangalaga ng Southern Isabela Medical Center (SIMC), isa (1) ang nasa pangangalaga ng Adventist Hospital Santiago City Inc. (AHSCI), at isa (1) ang nasa pangangalaga Santiago Medical City (SMC).

Ang labing lima (15) naman ay nasa LGU Isolation Facility at isa (1) naman ang nasa Hotel Quarantine Facility sa Banaue, Ifugao.


Sa kabuuan, 652 na ang naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Lungsod, 624 dito ang naitalang gumaling na sa nasabing sakit at lima (5) naman ang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19.

Facebook Comments