Aktibong Kaso ng COVID-19 sa Solano, Apat na Lamang

27

Cauayan City, Isabela- Bumaba na sa apat (4) ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa bayan ng Solano.

Batay sa monitoring ng bayan ng Solano, mula sa 268 na total cases ay apat (4) na lamang ang natitirang aktibong kaso matapos ang sunod-sunod na pagkakatala ng mga nagpopositobo sa COVID-19.

Ang apat na mga bayan ay kinabibilangan ng Bagahabag at Poblacion South na parehong mayroon na lamang natitirang isang (1) aktibong kaso at dalawa (2) sa bayan ng Quirino.

Wala din naitalang bagong kaso ang bayan ng Solano batay sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH) Region 2.

Sa ngayon ay nasa 268 na ang total cases ng COVID-19 sa buong bayan ng Solano kung saan walo (8) ang naitalang namatay.

Facebook Comments