COVID-19 cases sa bansa, pumalo na sa 339,341; Higit 17,000 recoveries, naitala ng DOH

112

Umabot na 339, 341 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ito ay matapos na makapagtala ng 2,502 bagong kaso ng sakit ngayong araw.

Sa Case Bulletin No. 211 ng Department of Health (DOH), 17,057 ang new recoveries kaya umabot na sa 293,075 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa COVID-19.

Dahil dito, nasa 39,945 na lang ang active cases ng virus sa bansa.

Habang pumalo na sa 6,321 ang total reported deaths matapos na madagdagan ng 83 ngayong araw.

Facebook Comments