Cauayan City, Isabela- Nakakapagtala pa rin ng mga panibagong kaso ng COVID-19 ang Tabuk City sa Lalawigan ng Kalinga.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ms. Aurora Amilig, Information Officer ng Tabuk City, kanyang sinabi na nasa mahigit 300 na ang bilang ng kanilang aktibong kaso na kasalukuyang nasa isolation ng mga ospital na tumatanggap ng COVID-19 patient.
Sinabi nito na karamihan sa mga bagong nagpositibo ay mga galing sa ibang probinsya at dahil na rin sa mga naganap na ‘unessential gatherings’ noong nakaraang Semana Santa.
Ayon pa kay Ginang Amilig, marami pa ang kanilang hinihintay na resulta ng mga swab test na ipinadala pa sa Baguio City.
Dahil sa mataas na bilang ng positibo sa Lungsod, kakaunti na lamang aniya ang available sa kanilang mga quarantine facilities.
Sa kasalukuyan, sumasailalim sa General Community Quarantine o GCQ ang Tabuk City.
Bilang bahagi sa mga ipinatutupad na protocols sa ilalim ng GCQ Guidelines sa probinsya, lahat ng mga papasok sa lalawigan na magtatagal ng 72 oras ay dadaan na sa triage.