Aktibong kaso ng COVID-19 sa Tuguegarao City, Pumalo na sa 78

Cauayan City, Isabela- Patuloy ngayon ang paglobo ng mga bilang ng kasong naitatala may kaugnayan sa COVID-19 sa Tuguegarao City, Cagayan.

Ayon kay Information officer Lenie Umoso, LGU Tuguegarao, ikinalungkot nito ang pagdami ng mga kumpirmadong kaso ng virus na nagiging biktima.

Sa inisyal na datos ng City Health Office, mayroong ng kabuuang 78 ang nananatling aktibo sa nasabing virus.


Sa kabila nito, nananawagan naman si City Mayor Jefferson Soriano sa kanyang mga kababayan na kung maaari ay sundin pa rin ang umiiral na health protocol para makaiwas sa banta ng nakamamatay na sakit.

Samantala, muling lilimitahan ang pagdaraos ng social gatherings sa lungsod kasabay ng ipinalabas na EO no. 102.

Kinabibilangan ito ng mga pagdaraos ng birthday, fiesta, kasal, binyag, o anumang selebrasyon subalit maaari namang magdaos nito para lamang sa pamilya na nakatira sa iisang bahay.

Matatandaan na ang mga naunang nag positibo sa critical na mga Barangay ay sanhi ng mga social gatherings.

Ito ay epektibo hanggang November 30, 2020.

Ang religous gatherings naman ay mananatili oobserbahan ang 50% seating capacity ng lugar.

Facebook Comments