Aktibong kaso ng COVID-19 sa Tuguegarao City, Pumalo sa 142

18

Cauayan City, Isabela-Umaabot na sa 142 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Tuguegarao City, Cagayan.

Batay sa datos ng City Health Office, 83 sa kabuuang bilang ay pawang nagmula sa mga komunidad, 22 ang mga Person Deprived of Liberty (PDL) habang 37 sa mga frontliners na kinabibilangan ng walong (8) miyembro ng pulisya, 1 ang BJMP Personnel, 10 naman ang mula sa BFP personnel, 13 ang healthworkers, dalawang Barangay Official at isang Security Guard.


Naitala naman ang kabuuang 726 na mga nakarekober na sa nasabing sakit habang 12 ang naiulat ng namatay.

Samantala, pumalo na sa 880 ang mga naitalang tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Patuloy naman ang panawagan ng pamahalaan na sundin pa rin ang standard health protocol para maiwasan ang paglobo ng mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.

Facebook Comments