Dalawang curfew violators, naaksidente sa motorsiklo matapos makipaghabulan sa mga pulis

12

Kalibo, Aklan — Sugatan ang dalawang lalaking curfew violators matapos maaksidente sa motorsiklo ng ito ay makipaghabulan sa mga pulis mga alas 10:00 kagabi sa Ilang-Ilang St., Andagao, Kalibo, Aklan. And dalawang lalaki ay nakilalang sina Arjay Gonzales, 33-anyos, driver ng motorsiklo at ang backrider nito na si si Janvee Alvios, 28-anyos mga residente rin ng nasabing lugar. Base sa report ng Kalibo PNP, na habang nagpapatrolya ang kanilang miyembro na naka assign sa Tactical Motorcycle Response Unit (TMRU) ay nakita nila ang dalawa sa nasabing lugar pero ng mapansin ng dalawa ang mga pulis ay bigalang pinaharorot ang kanilang motorsiklo dahilan para sila ay habulin ng mga pulis. Dahil sa naka inum ang mga ito ay hindi na nakontrol ni Gonzales ang minamanehong motorsiklo at naaksidente. Agad namang nag responde ang mga taga MDRRMO para mabigyan ng first aid ang mga ito saka dinala sa Kalibo PNP station para sa karampatang disposisyon dahil sa paglabag sa Covid-19 Curfew Ordinance.

Facebook Comments