Bahagyang tumaas ng mahigit dalawang libo ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong araw.
Ito ay makaraang makapagtala ang Department of Health (DOH) ngayong araw ng 7,835 na karagdagang kaso ng COVID-19.
5,317 naman ang bagong gumaling at 154 ang binawian ng buhay.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.1% (84,850) ang aktibong kaso, 95.4% (2,573,161) na ang mga gumaling, at 1.49% (40,221) ang namatay.
Ang kabuuang kaso naman ay pumalo na sa 2,690,455.
Iniulat din ng DOH na lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 12, 2021 habang mayroong 4 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 4 laboratory na ito ay humigit kumulang 1.3% sa lahat ng samples na nasuri at 1.2% sa lahat ng positibong mga indibidwal.