Nabawasan na ang aktibong kaso ng iba’t ibang variant ng SARS CoV2 sa bansa.
Ayon sa Department of Health, 8 na lamang ang aktibong kaso ng UK variant o B.1.1.7, habang 5 ang South Africa variant o B.1.351 at isa ang P.3 na unang na-detect sa Pilipinas.
Sa kabuuan, 952 ang naitalang kaso ng UK variant sa bansa kung saan 22 ang namatay.
Sa 1098 naman na kabuuang kaso ng South Africa variant, 17 ang nasawi at sa 157 na naapektuhan ng P.3 kung 1 ang namatay.
Tig-dalawa naman ang kaso ng P.1 na unang lumitaw sa Brazil at B.1.617.2 o India variant na pawang gumaling na.
Facebook Comments