Nagpasalamat ang National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC sa publiko dahil sa aktibong pakikilahok sa National Simultaneous Earthquake Drill o NDSED na isinagawa ngayong umaga.
Eksaktong alas-nueve ng umaga isinagawa ang NDSED sa iba’t ibang lokasyon sa buong bansa, at maging sa mga kanya kanyang tahanan.
Sa Camp Aguinaldo, sumilong sa ilalim ng mesa ang mga ang mga tauhan ng NDRRMC bago nag-“evacuate” ng kanilang tanggapan pagsapit ng alas-9.
Ayon Kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, layon ng mga regular na earthquake drills na sanayin ang mga mamayan para sa kahandaan sa lindol.
Ito ay sa gitna ng magkakasunod na lindol sa Mindanao at sa inaasahang “The Big One” na maaring tumama sa Metro Manila sa pagkilos ng Marikina fault line anumang oras.
Sa Camp Crame naman, nagsilabasan sa kanya kanyang tanggapan ang mga pulis dala ang kanilang mga emergency kits, at nag-assemble sa mga open areas pag-sapit ng alas-9 ng umaga.
Iniulat din ng NCRPO na nakilahok din sa NSED ang lahat ng police districts sa Metro Manila at balik sa na normal ang police operations sa lahat ng mga himpilan ng pulis bandang 9:30 ng umaga pagkatapos ng pagsasanay.