Inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police-Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) ang isang aktibong pulis dahil sa sextortion.
Kinilala ni IMEG Director Police Brig. Gen. Warren de Leon ang suspek na si Patrolman Julius Ramos na naka-assign sa Service Support Division, Intelligence Group sa PNP headquarters sa Cramp Crame.
Huli sa akto ang suspek sa entrapment operation kahapon ng madaling araw sa loob ng isang apartel sa Barangay Manggahan, San Jose del Monte Bulacan habang kasama ang complainant.
Inireklamo ng complainant ang pulis na kanyang dating karelasyon matapos itong magbanta na ikakalat ang kanilang mga maseselang video kung hindi papayag na makipagtalik ulit sa kanya.
Kasalukuyang nakakulong sa IMEG-NHQ Custodial Facility sa Camp Crame ang suspek kung saan nahaharap ito sa administratibong kaso gayundin sa kasong grave coercion kasama na ang paglabag sa Cybercrime Prevention Act at RA 9995 o Photo and Video Voyeurism.