Bilang ng mga sugatang sundalo sa bakbakan ng militar at MILF sa Basilan, nadagdagan pa

Courtesy: Ronda del Basilan | Facebook

Kinumpirma ni Lt. Col. Abdurasad Sirajan, Chief PIO ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command (WESTMINCOM) na umaabot na sa 15 sundalo ang sugatan sa naganap na bakbakan ng tropa ng militar at Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Ulitan, Basilan.

Ayon kay Sirajan, ito ang pinakahuling datos na nakuha nila mula sa field.

Ilan sa mga sugatang sundalo ay mula sa 64IB, auxillary at 18IB.


Samantala, nananatiling nasa 3 ang bilang ng mga nasawing sundalo na pawang mula sa 18IB.

Una nang sinabi ni AFP WESTMINCOM acting Commander BGen. Arturo Rojas sa isang statement na miscommunication ang puno’t dulo ng bakbakan sa Basilan.

Tiniyak din nitong ginagawa ng gobyerno ang lahat ng mekanismo ng ceasefire agreement para mapahupa ang sitwasyon sa Basilan.

Facebook Comments