aktibong sundalo huli sa search warrant operation

General Santos City— Arestado sa isinagawang search warrant operation ng pinasanib na pwersa ng PDEA 12 at 34th Infantry Battalion ang isang aktibong sundalo na nakabase sa 34th IB sa Midsayap, North Cotabato.

Ang suspek nakilalang si Sgt. Teddy Paltinca, 34 years old at residente ng Pigcawayan, North Cotabato.

Ayos sa report ng PDEA 12, notadong user at pusher ang nasabing sundalo at hindi lang sibiliyan ang pinabebentahan nito ng illegal na droga kundi maging ang mga kasamahan nito sa trabaho.


Nakuha sa bahay ng suspek ang walong sachet ng pinaniniwalaang shabu, cash na humigit kumulang 76 000 pesos at ibat ibang ui ng armas at mga bala.

Ang nasabing operayon ay parte ng internal cleansing ng kasundaluhan kung saan itinuturing na high value target ang suspek dahil na rin sa katungkulan nito sa gobyerno.

Sa ngayon ay naka-kustudiya na sa lock-up cell ng PDEA 12 ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa R.A 9265 at R.A 10591.

Facebook Comments