Aktor at dating Pampanga Governor na si Mark Lapid, itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Board Member sa TIEZA

3035

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang aktor at dating Pampanga Governor Mark Lapid bilang Board Member ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA).

Ito ay kinumpirma ni Presidential Spokesman Sec. Harry Roque at ayon sa kanya na epektibo ang appointment kay Mark Lapid sa TIEZA noong Enero 5 pa.


Matatandaan, si Mark na anak ni Sen. Lito Lapid, ang COO ng nasabing ahensya noong termino ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

Nagbitiw siya sa kanyang puwesto noong 2016 upang tumakbo bilang senador.

Noong 2018 nang maharap ito sa kasong graft kasama nina dating Department of Tourism Sec. Wanda Tulfo-Teo at iba pang mga opisyal dahil sa umano’y maanomalyang kasunduan para sa operasyon ng sewerage system ng Boracay.

Facebook Comments