Bilang ng mga pulis na nagpositibo sa COVID-19 sa bansa, umakyat na sa 9,241

26

Patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Batay sa datos ng PNP Health Service, umakyat na sa 9,241 ang kumpirmadong tinamaan ng COVID-19 na mga pulis matapos na madagdagan kahapon ng 22 na bagong kaso.


Aabot naman sa 316 ang aktibong kaso ng virus sa hanay ng PNP o iyong nagpapagaling pa sa sakit.

Habang nakapagtala ang PNP ng 36 bagong gumaling sa sakit kaya’t umakyat na sa 8,897 ang kabuuang bilang ng kanilang recoveries.

Samantala, wala naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi na pulis dahil sa COVID-19.

Kaya ang total deaths ay nananatili sa 28.




Facebook Comments