Aktor na si Arjo Atayde, pormal nang naghain ng kaniyang Certificate of Candidancy para tumakbong kongresista ng 1st District ng QC

Pormal nang naghain na ng kaniyang Certificate of Candidancy (COC) ang multi-awarded Kapamilya actor na si Juan Carlos Atayde o mas kilala bilang Arjo Atayde.

Ito’y para tumakbo bilang Congressmam ng 1st District ng Quezon City.

Kasama ni Arjo sa paghahain ng kaniyang COC si Quezon City Mayor Joy Belmonte at kaniyang ina na si Sylvia Sanchez para magbigay ng suporta sa aktor.


Pasado alas-9:00 ng umaga nang ihain ng aktor na si Arjo ang kaniyang COC dito sa tanggapan ng Commission on Election-National Capital Region o COMELEC-NCR sa Intramuros, Maynila.

Inihayag ni Arjo na nagdesisyon siyang tumakbo sa pagka-kongresista sa 1st District bilang independent candidate para mas lalo pang makatulong sa mga kapwa niya residente sa lungsod ng Quezon.

Matatandaan na si Arjo ay isa sa mga nagbigay ng 20 service vehicle bilang donasyon sa mga barangay sa Quezon City partikular sa NS Amoranto, Manresa, Paang Bundok, St. Peter, Sto. Cristo, San Antonio, San Jose, Vasra at Maharlika.

Mahigpit namang ipinapatupad ng Manila Police District (MPD) ang seguridad sa COMELEC-NCR sa huling araw ng paghahain ng COC ng mga kakandidato upang makontrol ang mga pagdagsa ng supporters.

Facebook Comments