Inamin ng aktor na si JM de Guzman na nagkaroon siya ng mild panic attack sa kalagitnaan ng isang online event nitong April 16, 2021.
Ang panic attack ay biglaang pagkaramdam ng takot kung saan maaari itong umatake anumang oras, maging sa pagtulog.
Kuwento ni JM sa kanyang Instagram post, bigla na lamang siyang nakaranas ng mild panic attack habang nasa isang virtual event para i-promote ang upcoming series kasama sina Gerald Anderson at Yam Concepcion.
Nagsasaya raw sina JM at ang cast nang biglaang umatake ang panic attack.
Gumamit din si JM ng #spreadawareness sa kanyang post, na tila nangangahulugang kaya niya ibinahagi ang nangyari para magkaroon ng awareness ang mga tao sa maaaring idulot ng panic attacks at sa biglaan nitong pag-atake.
Marami namang kaibigan ni JM sa industriya ang nagpakita ng suporta at paghanga kay JM sa kaniyang katapangang ihayag ang kuwento, lalo pa’t marami rin ang nakakaranas nito.
Kabilang sa mga nagkomento sa post ni JM ay sina Edward Barber, Kris Bernal, Rocco Nacino, at Ynna Asistio.