E-Gilas Pilipinas, nagkampeon sa Southeast Asian basketball matapos talunin ang Indonesia

Muling tinanghal na kampeonato sa Southeast Asian basketball ang E-Gilas Pilipinas matapos dominahin ang Indonesia sa regional championship ng FIBA Esports Open.

Naging susi sa panalo ng E-Gilas ang inside-outside combo ni Most Valuable Player (MVP) Aljon ‘Shintarou’ Cruzin at Philippe ‘Izzo’ Herrero sa iskor na 44-36 sa game 2 at 60-53 sa game 1.

Dahil sa pagkakapanalo ng E-Gilas, muling umangat ang Pilipinas sa Esports matapos ilaglag ng Australia noong isang taon.


Ayon sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), ang panalo ng E-Gilas ng dalawa sa tatlong regional championships ng FIBA Esports Open ay bunga ng kanilang pagsisikap ng ilang taon.

Facebook Comments