Aktor na si Ken Chan, naaksidente!

Ligtas at hindi nasaktan ang aktor na si Ken Chan makaraang masangkot sa aksidente noong Miyerkules.

Ito ang kanyang pagtitiyak sa kanyang mga fans matapos na banggain ng isang L300 van ang minamaneho niyang Sports Utility Vehicle (SUV) sa Timog Avenue, kanto ng Panay Avenue, Quezon City.

Say ng 27-year old na aktor, mabuti na lamang daw at mabagal ang kanyang takbo dahil traffic sa lugar.


Nagulat na lamang daw siya nang may biglang bumangga sa likurang bahagi ng kanyang sasakyan.

Sa kabila nito, hindi na nagsampa ng reklamo si Ken dahil hindi naman siya nasugatan at umaasa na nasa maayos din ang kalagayan ng driver ng van na nakabangga sa kanya.

Facebook Comments