Pumanaw na sa edad na 90 ang sikat na Scottish actor na si Sean Connery, ang kauna-unahan at isa sa mga pinakamatagal na gumanap sa sikat na fictional character na si James Bond.
Ito ay kinumpirma ng kaniyang anak na si Jason sa isang international report.
Noong 2000, binigyan parangal ng Knighthood si Connery dahil sa kaniyang mga ambag sa larangan ng sining simula 1962.
At isa na rito, sa loob ng apat na dekada, pitong beses niyang ginampanan ang sikat na intelligence officer character.
Bukod sa pagiging “James Bond,” nakilala rin ang aktor sa kaniyang talento sa ilan pang classic movies tulad ng Marnie, Murder on the Orient Express, Indiana Jones at The last crusade.
Nasungkit din ni Connery ang Academy Award o Oscar noong 1987 matapos niyang gampanan ang supporting role na si “Chicago Cop Jim Malone” sa pelikulang The untouchables.