Aktor na tinaguriang “Filipino James Bond” na si Tony Ferrer, pumanaw na sa edad na 86

494

Pumanaw na sa edad na 86 ang tinaguriang “Filipino James Bond” na si Tony Ferrer.

Ito ay kinumpirma ng kanyang anak na si Mark Laxa at aniya, namatay ang kanyang ama dahil sa sakit sa puso.


Si Tony Ferrer o Antonio Laxa sa tunay na buhay ay sumikat noong 60’s at 70’s matapos niyang gampanan ang role bilang Tony Falcon sa “Agent X-44” movie series.

Isa sa huling palabas ni Tony sa big screen noong nakasama siya sa pelikula ng komedyanteng si Vhong Navarro para sa bagong version ng “Agent X44.”

Bumuhos ng pakikiramay sa showbiz industry dahil sa pagpanaw ng beteranong aktor.

Samantala, hindi pa naglalabas ng pahayag ang pamilya nito patungkol sa magiging burol at libing ng aktor, lalo’t bawal pa rin ang mass gathering ngayong umiiral pa ang COVID-19 pandemic.




Facebook Comments