Humarap sa pagdinig ng Senate Committee on Women ang aktres na si Angel Aquino para ilahad na naging biktima siya ng deepfake pornography.
Sa pagdinig ay inilahad ni Aquino kung paano niya nalaman na biktima na siya ng deepfake kung saan inilagay ang kaniyang mukha sa isang porno video.
Inihayag ng aktres na nahirapan at naapektuhan siya sa insidente kung saan hindi na niya maintindihan ang nararamdaman at hindi alam kung kanino lalapit para makahingi ng tulong.
Maging ang digital creator na si Queen Hera ay hindi rin pinalampas ng digital assault ang kaniyang anak na menor-de-edad kung saan inilagay ang larawan ng kaniyang anak sa dark web.
Umaasa sina Aquino at Hera na sa tulong ng Mataas na Kapulungan ay maisusulong ang panukalang batas na magpapalakas sa Safe Spaces Act at magbibigay ng mas malakas na proteksyon para sa mga kababaihan at mga kabataan laban sa deepfake at hindi maayos na paggamit ng artificial intelligence (AI).









