Aktres na si Ana Capri, ikinasal na habang singer na si Liezel Garcia, engaged na sa kanyang non-showbiz boyfriend

655

Ikinasal na ang aktres na si Ana Capri sa kanyang Australian boyfriend na si Dave.

Si Dave ay isang Australian Businessman kung saan mag-aapat na taon na silang magkarelasyon.


Isinagawa ang kanilang intimate wedding sa nasabing bansa noong nakaraang buwan.

Sa ngayon ay masayang ineenjoy ng aktres ang buhay asawa kasama ni Dave.

Samantala ibinahagi sa publiko ng singer na si Liezel Garcia na engaged na sila ng kanya fiance na si Justin Eagle.

Si Justin ay sikat na Youtuber, Editor and Producer sa ibang bansa.

Say ni Liezel, excited na siya sa kanilang wedding ni Justin pero marami pa silang kailangang asikasuhin.

Dagdag pa niya na bago ang kanilang kasal ay may mas kailangan pa silang unahin.

Facebook Comments

From Advertisers