Aktres na si Iza Calsado, dismayado sa X rating ng kanyang pelikula

Ikinadismaya ng aktres na si Iza Calsado ang ibinigay na rating ng MTRCB sa kaniyang bagong pelikula.
 
Binigyan kasi ng MTRCB ng X rating ang kaniyang pelikulang Bliss na nagbigay sa kanya ng first international acting award.
 
Una na kasing sinabi ni MTRCB Chairman Rachel Arena na madaming gory violent scene at may sexually oriented dialogue ang pelikula na maaaring maging offensive sa mga manonood.
 
Sagot naman ni Iza, iaapela nila ang desisyon ng MTRCB at sana ay mabigyan ito ng tyansang maipalabas sa bansa.
 
Ang pelikulang “Bliss” ay isang daring psycho-thriller sa direksyon ni Jerrold Tarrog na siya ring direktor ng historical film na “Heneral Luna.”


 
 

Facebook Comments