World largest dinosaur footprints, natagpuan sa Australia

23
Manila, Philippines – Natagpuan sa Australia ang pinakamalaking yapak ng dinosaur sa Dampier Peninsula na lugar na binansagang “Jurassic Park”.
 
Ang nasabing yapak ay gawa ng isang Sauropod na isang uri ng mga dambuhalang dinosaur na panay halaman lang ang kinakain.
 
Ayon kay Steve Salisbury, namuno sa ginawang pag-aaral sa lugar, lubos na mas malaki ang yapak na ito kaysa sa ibang mganatagpuan dati.
 
Sa haba nitong 5 feet, 9 inches ay higit na mas malaki ito sa yapak ng dinosaur na natagpuan sa Bolivia nito lamang nakaraang taon na may sukat na 3 feet at 9 inches.
 
Nasa 21 yapak ng mga dinosaur ang natagpuan sa Dampier Peninsula at ang iba sa mga ito ay tinatayang 140 milyong taon na ang tanda.
 
Posible naman ang kondisyon ng lupa at ang klima ng Dampier Peninsula ang dahilan kung bakit na-preserba ng maayos ang ganun karaming mga yapak ng dinosaurs.

Facebook Comments