Aktres na si Sharon Cuneta at dating Senador Kiko Pangilinan, sinampahan ng kasong cyber-libel ang showbiz columnist na si Cristy Fermin

Sinampahan ng aktres na si Sharon Cuneta at dating Senator Kiko Pangilinan ng cyber-libel complaint ang showbiz columnist na si Cristy Fermin ngayong umaga sa Makati City Prosecutors Office.

Ito’y may kinalaman sa umano’y walang basehan at malisyosong mga pahayag ni Fermin sa kanilang mga personal na buhay.

Kung maalala, sinampahan din ng kasong cyber-libel si Fermin ng aktres naman na si Bea Alonzo noong May 2.


Facebook Comments