Thursday, April 9, 2026

Aktres na si Yasmien Kurdi, itinuloy ang paghahain ng reklamo sa DepEd kaugnay ng pambu-bully sa kaniyang anak

Pormal nang inihain ng aktres na si Yasmien Kurdi sa Department of Education (DepEd) ang reklamo laban sa dating paaralan ng kaniyang panganay.

Naniniwala ang aktres na hindi ginampanan ng eskuwelahan ang tungkulin nitong protektahan ang kaniyang anak na binully ng mga kaklase noong December 2024.

Mariing iginiit niya na ang reklamo ay hindi lamang para sa kaniyang anak kundi para rin sa iba pang kabataang hindi napoprotektahan ng kanilang paaralan.

Aniya, kinakailangang umaksyon ang mga paaralan sa ganitong insidente, at may kapangyarihan ang DepEd na mag-imbestiga at magpataw ng sanction kapag napatunayang may kapabayaan.

Facebook Comments