Ipinakita kanina ang aktuwal na installation kung paano mag-operate sa makina ng sasakyan ang hydrogen electronic reactor na imbensyon ng isang Koreano.
Makatulong ang hydrogen electronic reactor para makatipid ng fuel ng mula 30 to 50 percent depende sa klase ng makina.
Environment friendly ang imbensyon dahil zero pollutant dahil nawawala ang itim na usok.
Mas lumakas ang hatak ng makina ng jeepney niya at namimintina ang lamig ng karburador ng kaniyang sasakyan.
Mismong ang imbentor na si Changho Charlie Nam, Chairman ng KCH R&D Corporation, ang nangasiwa sa installation kanina para sa isang Toyota Fortuner, Suzuki APV at Toyota Vios.
Ayon kay Kenny Kwon, developer Sa Pampanga, dati ay siyam na kilometro ang natatakbo ng kada litro ng gasolina ng Fortuner niya.
Pero ngayon, umaasa siya sa 10 km per liter na matitipid.
Nasa 90 na sasakyan na ang napakabitan ng hydrogen electronic reactor matapos na ilunsad at siyasatin ito ng Department of Transportation (DOTr).