Aktwal na pagsabog sa Beirut, nakunan ng video; bilang ng patay umabot na sa higit 100

(BABALA: MASELANG VIDEO)

Umakyat na sa higit 100 ang nasawi at 4,000 naman ang sugatan sa massive explosion na naganap sa Beirut, Lebanon nitong Martes.

Mapapanood sa video ang mala-higanteng apoy at usok dulot ng malaking pagsabog. Sa lakas nito ay yumanig ang buong lupa na naramdaman sa buong kabisera.


Nagkalat din sa lansangan ang mga salaming basag, nahulog na debris, ilang wasak na kotse, pati na rin ang mga bangkay ng tao.

Kinailangan din isugod sa mga ospital sa labas ng Beirut ang ibang nasaktan dahil punuan na raw ang mga pagamutan doon.

Ilang oras matapos ang pagsabog ay meron pa rin usok at apoy sa pinangyarihan ng malagim na insidente.

Ayon sa Health Minister ng Lebanon, sumabog ang tone-toneladang ammonium nitrate na naka-imbak sa isang bodega malapit sa pantalan.

Dagdag niya, posible pang tumaas ang bilang ng mga namatay sa trahedya dahil nagpapatuloy ang paggalugad sa lugar upang kuhanin ang mga naiwan pang bangkay.

Nilagyan na rin ng kordon ang buong pantalan at tanging ambulansya, fire trucks, at awtoridad lamang ang pinapapasok dito.

Idineklara ni Lebanon Prime Minister Hasan Diab ang “day of mourning” ngayong araw matapos ang dalawang malaking pagsabog sa Beirut na gumulantang sa buong mundo.

Facebook Comments