Akusasyon ng producer ng US tour concert ng Jadine – pinabulaanan ni James Reid

55

Manila, Philippines – Naglabas na rin ng saloobin si James Reid kaugnay sa aberyang naganap nitong mga nakaraang Linggo sa kanilang U.S. concert tour.

Ito ay matapos ang akusasyong ibinato sa kanila ng producer na si Elaine Crisostomo matapos ng hindi nila umano pagsipot sa lunch meet-and-greet session kasama ang fans.

Ayon kay James Reid, wala itong alam sa nasabing activity at humingi ng tawad sa fans na nagbayad ng $250 o P12,450 para sa nasabing event.

Samantala, naglabas din ng official statement ang Viva at promoters ng nasabing concert para igiit na hindi kasama ang nasabing meet-and-greet session sa kanilang usapan.

Ipinagtanggol din nila ang Jadine kaugnay sa mga akusyasyon ni Elaine.

Si Elaine ang producer/promoter ng San Francisco leg ng Always Jadine: US Tour 2017 na ginanap noong March 31, sa Chabot College, Hayward, California.
Nation”

Facebook Comments