Globalport, naisahan ng Blackwater Elite; Meralco Bolts, umarangkada

31

Manila, Philippines – Niyanig ng Meralco Bolts ang Alaska Aces kagabi sa iskor na 99-91 sa pba commissioner’s cup.

Dahil dito, nasa ikatlong pwesto na sa standing ang Meralco na may 5-1 record, matapos na makagawa ng 26 points at 17 rebounds si Alex Stepheson habang naka-19 naman si Markers.

Sa iba namang laro, nalusutan ng Blackwater Elite ang 35-point performance ni Globalport Batang Pier point guard Terrence Romeo sa score na 118-113 dahilan para lumamang ang koponan ng isang panalo sa standing.

Samantala, kasalukuyang naghahanda ang Ginebra San Miguel para patikimin ng unang pagkatalo ang koponan ng Star Hotshots sa kanilang laro mamayang gabi.

Nation”

Facebook Comments