Manila, Philippines – Tinawag na fake news ng abogado ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno na si Atty. Josalee Deinla ang akusasyon sa Punong Mahistrado na ito umano’y namuhay sa luho habang nanunungkulan bilang Chief Justice ng Korte Suprema.
Sa ginanap na Forum sa Manila Hotel, paliwanag ni Atty. Deinla na ang sinasabing maluhong pamumuhay ang isa sa naging basehan sa reklamong isinampa laban kay Sereno ni Atty. Larry Gadon, kabilang din sa iba pang batayan ng Impeachment complaint ay ang pagbili ng isang Toyota Land Cruiser bilang security vehicle ng Punong Mahistrado, mga business class travel at foreign trips at gayundin ang paggamit ng Presidentual Villa sa Shangri-la Boracay.
Paliwanag ni Atty. Deinla ang mga business class travel at foreign trip ni Sereno umano ay kinikilala ng SC ang pangangailangan ng Punong Mahistrado na bumiyahe sa ganitong pamamaraan alinsunod sa kanyang posisyon at ang lahat ng kanyang biyehe ay dapar Official Court business para isulong ang reporma sa Hudikatura, system development at International Judicial Relations.
Dagdag pa ng tagapagsalita ni Sereno na ang sinasabing paggamit ng Presidential Villa bilang tamang paggamit ng financial resources ng gobyerno sa pamamagitan ng pagbawas sa gastusin inilaan sa ikatlong ASEAN Chief Justice Meeting noong 2015.