Akusasyong sangkot sa pagsira ng kalikasan at gumagawa ng gulo ang Pilipinas sa WPS, itinanggi ng PCG

Taliwas sa paratang ng China, patuloy na nagbabantay ang Philippine Coast Guard (PCG) sa West Philippine Sea (WPS) para pangalagaan ang yamang-dagat na sakop ng bansa.

Sa Kapihan sa Manila Hotel, sinabi ni Commodore Jay Tarriela kasama nila ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at UP Science Institute para mabantayan at malaman ang epekto ng mga aktibidad ng China sa West Philippine Sea.

Ang pahayag ni Tarriela ay sa gitna ng hinala ng China na ang nasa likod ng mga nakitang patay na corals noong mga nakalipas ay ang PCG ang may gawa.


Kasama na dito ang pagtatayo ng mga istraktura sa pinag-aagawang bahagi ng dagat.

Sinabi ni Tarriela na sinimulan nila ang “transparency strategy” para mailabas sa mundo ang mga nangyayari sa West Philippine Sea.

Aniya, hindi ito limitado lamang sa pagpapakita ng agresibong hakbang ng China sa mga bansa dahil sa ginagawa nitong pag-aangkin sa buong South China Sea.

Una rito, inakusahan ng China ang Pilipinas na umano’y nagkakalat ng maling impormasyon at gumagawa ng hakbang para tumindi ang tensiyon sa South China Sea.

Facebook Comments