Akusayon ng Tsina ‘kinuyog’ sila ng Pinoy sa Recto Bank, itinanggi ng FB Gem-Vir 1 Captain

198

Hindi totoong kinuyog ng pito o walong bangkang pangisda ng mga Pilipino ang isang Chinese vessel dahilan para mabangga ang FB Gem-Vir 1 at lumubog ito sa Recto Bank , ayon sa kapitan ng bankang sinalpok sa Recto Bank.

Sa panayam kay Junel Insigne, sila lamang ang mangingisdang Pinoy na nasa lugar nung maganap ang insidente noong madaling araw ng Hunyo 9.


“Hindi po totoo yun gawa nang wala kaming kasama. Malalayo po yung kasama namin kaya di totoo yung kuwento nila na kinuyog sila,” ani Insigne.

Dagdag pa nito, tatlong oras silang palutang lutang sa dagat bago sila mailigtas ng isang Vietnamese fishing vessel.

Nitong Sabado, naglabas ng pahayag ang Chinese Embassy ukol sa ‘hit and run’ incident.

Depensa nila, hindi sinasadyang banggain ng Yuemaobinyu 4122 ang FB Gem-Vir 1. Sinubukan ng kapitan ng foreign boat sagipin ang mga mangingisdang Pinoy na nahulog sa dagat ngunit dahil sa takot na mabalikan, agad silang umalis sa pinagyarihang lugar.

 

 

 

Facebook Comments

From Advertisers