Dating Miyembro ng CAFGU, Huli sa Kasong Pagpatay!

72

*Sto. Tomas, Isabela- *Arestado ng mga otoridad ang isang dating kasapi ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) na wanted sa bayan ng Sto. Tomas, Isabela.

Kinilala ang itinuturing na Top 2 Most Wanted Person sa nasabing bayan na si Marvin L Cataggatan, 25 anyos, binata, at residente ng Brgy. Bagabag, Sto. Tomas, Isabela.


Batay sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), hinuli si Cataggatan sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Felipe Jesus Torio ng RTC Branch 22 dahil sa kanyang kasong Pagpatay.

Dinala na sa Sto. Tomas Police Station ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments

From Advertisers