AKYAT BAHAY | 2, patay matapos manlaban sa QC

18

Quezon City – Patay ang 2 hinihinalang akyat bahay matapos looban ang isang computer shop sa Barangay Nagkaisang Nayon Novaliches Quezon City.

Wala pang pagkakakilanlan ang mga suspek na tinatayang nasa 20 hanggang 25 taong gulang habang yung isa naman ay nasa 30 hanggang 35 taong gulang.

Ayon sa biktima na si alyas Ricky, nanood siya sa sala ng makarinig ng ingay sa gate ng kanyang computer shop.

Nang silipin nakita ang 2 lalaki na armado ng baril at hinahalughog ang mga gamit.

Agad siyang tumawag ng 117 kung saan agad nakarating ang mga pulis.

Sa video bagaman madilim maririnig ang sunod-sunod na putok ng baril habang dumidiskarte ang mga pulis para makorner ang mga suspek.

Ayon kay Police Superintendent Rossel Cejas hepe ng QCPD Station 4, kabilang sa nakuha na-recover ang mga ninakaw na gamit tulad ng CPU, tablet at TV.

Nakita din sa encounter scene ang kalibre 45 na baril at 357.

Inaalam pa kung dayo lang ang suspek sa lungsod dahil meron pa silang get away vehicle na motorsiklo.

Facebook Comments