AKYAT-BAHAY | Isang establisyimento sa Pasig City, pinasok ng magnanakaw

17

Pasig City – Natangay ng mga hinihinalang miyembro ng kilabot na akyat-bahay gang ang ilang gadgets at pera matapos pasukin ang isang establisimyento sa F. Legaspi Street, Barangay May Bunga, Pasig City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, natuklasan na lang ni Noel Toneda, tauhan ng may-ari na si Erwin Napoles, na bukas na ang main door ng Arman Realty Corporation pati na rin ang mga drawer at lamesa sa loob nito.

Dito rin natuklasan na nawawala na ang isang MSI laptop ni Napoles, kasama ang isang cellphone at P30,000 na cash.

Hindi naman gumagana ang CCTV ng naturang kumpaniya kaya at patuloy ang imbestigasyon ng Pasig PNP sa naturang insidente.

Facebook Comments