NINAKAWAN | Isang bahay sa Quezon City, nilooban

29

Manila, Philippines – Nanghihinayang ngayon ang isang 61-anyos na ginang matapos pagnakawan ang kaniyang bahay sa Capital Estates-1, Barangay Batasan Hills sa Quezon City.

Kwento ng biktimang si Nenita Angel, nagising siya sa ingay sa masters bedroom kung saan nakita pa niya ang suspek sa loob ng kwarto.

Nilimas ng magnanakaw ang tatlong mamahaling cellphone at P3,000 na pera.

Hindi naman namukhaan ng biktima ang lalaking suspek na nakasuot ng blue na t-shirt at maong pants.

Lumalabas sa imbestigasyon na sa sliding window sa master bed room dumaan ang suspek dahil hindi ito naka-lock.

Facebook Comments