Paris – It’s not a bird, it’s not a plane, dahil ang nakita ng lahat kahapon ay isang 55-year-old na French climber na si Alain Robert. Kilala bilang French Spider man, muling bumida si Roberts matapos akyatin kahapon ang isang mataas na gusali sa LA Defense District sa Paris. Matagumpay niyang narating ang tuktok ng total tower office building na may taas na 587 ft. o may halos limampung palapag sa loob lang ng tatlumpung minuto. Taong 1994 nang magsimulang umakyat ng matataas na building o tower itong si Robert kabilang na ang Eiffel Tower, Montparnasse Tower at maging ang pinakamataas na gusali sa buong mundo na makikita sa Dubai – ang Burj Khalifa. Kakaiba talaga ang trip ni Alain dahil bagamat nakakahanga ang mga ginagawa nito, madalas din siyang naaaresto pagkatapos niyang magpakitang Gilas.
AKYAT PA MORE | 55 year-old na lalaki sa Paris, nag-ala Spiderman
Facebook Comments