Al-Khilafah terror group member na suspek sa pagpatay sa isang pulis sa SoCot, patay sa buy-bust

South Cotabato – Patay sa inilusad na buy-bust operation ng pulisya sa Polomolok ang kasapi umano ng Ansar Al-Khilafah Philippines (AKP) na suspek umano sa pagpatay sa isang pulis sa South Cotabato na isinagawa sa Purok 6, Barangay Lumakil, sa bayan ng Polomolok.

Kinilala ang suspek na si Mudz Nilong alyas “Muds Solaiman” at alyas Alimodin Mamadra Sapano, 25-anyos, residente ng Barangay Koronadal Proper.

Sinabi ni Police Chief Inspector Alex Joe Orcajada, chief of police ng Polomolok Municipal Police Station na habang ginagawa ang buybust, nakatunog umano ang suspek na Police ang kanyang nakatransaksyon kaya bumunot ito ng baril at pinaputukan ang pulis.


Agad namang nakaganti ng putok ang iba pang mga pulis na nakaantabay sa paligid ng dalawa kaya natamaan ang suspek na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Narekober ng pulisya mula sa suspek ang anim na sachet ng pinaniniwalaang shabu, cal. 38 na baril at P500 marked money.

Si Nilong ay matagal ng myembro ng AKP na isang ISIS-inspired group at kilalang kaalyado ng Mauti terror group.

Suspek din ito sa pagpatay sa pulis na si PO3 Charlie Liva noong Octobre 26, 2017 sa National Highway ng Tupi South Cotabato.

Facebook Comments