Alab Pilipinas, napanatiling malinis ang record sa ABL

Napanatili ng Alab Pilipinas ang malinis nitong record sa ika-siyam na Asean Basketball League (ABL) na ginanap kagabi sa Caloocan Sports Complex.

Ito ay matapos talunin ng Alab ang Singapore Slingers, 77-71.

Nanguna sa panalo ng team si PJ Ramos na umiskor ng 26 points habang nag-ambag ng 20 points si Renaldo Balkman.


Nagposte rin ng 18 puntos ang two-time local MVP na si Ray Parks.

Dahil dito, hawak ngayon ng Pilipinas ang kartadang 4-0 win-loss habang bumaba ang record ng Slingers sa 5-3 win-loss.

Facebook Comments