Alab Pilipinas, natalo kontra Hong Kong Eastern

103

Hindi nakaporma ang Alab Pilipinas sa naging laban nila kontra Hong Kong Eastern Basketball Club sa ABL.

Natalo ang Alab sa score na 88-83 kung saan hindi nakalaro ang big man nila na si PJ Ramos dahil sa nakaranas ito ng food poisoning.

Hindi naman umubra ang 29-points na ginawa ni Ray Parks Jr., kaya at naputol ang kanilang 7-game winning streak.

Sa ngayon, nangunguna pa din sa team standing ang Alab Pilipinas na may 13 na panalo at tatlong talo.

Facebook Comments