ALAGANG ALAGA! | Mga manok sa Amerika – nilalagyan ng diapers

Alam niyo ba, ilang urban areas sa Amerika tulad ng Denver, New York at Los Angeles ang nag-aalaga ng manok sa loob ng bahay.

Kaya naman patok rin dito ang chicken diaper business!

Ayon sa businesswoman na si Julie Baker, may-ari ng online store na pampered poultry – taong 2010 nang mapanood niya sa youtube ang video ng isang manok na naka-diaper.


Simula raw noon ay naisipan niyang manahi nito hanggang sa naging popular ito sa amerika na kalaunan ay gumawa na rin sila ng mga diaper gowns at feather guards.

Sa pamamagitan kasi ng chicken diaper, maiiwasan ang pagkalat ng ipot ng manok sa loob ng bahay dahil may sasalo na rito.

500 hanggang 1,000 chicken diapers ang naibebenta ni Julie kada buwan kung saan siya kumikita ng 50,000 dollars o katumbas 2.7-million pesos.

Facebook Comments