HINDI MAGRERETIRO | Ogie Alcasid – walang balak magretiro sa showbiz

Tatlong dekada na sa showbiz ang singer/ composer na si Ogie alcasid na isa rin sa may pinakamalaking ambag sa Philippine music industry.

Sa kabila ng kasikatan, inamin ni Ogie na naranasan din niyang ma-frustrate lalo ka kapag flop ang kanyang pelikula, hindi nag-hit ang kanta, hindi masyadong tinanggap ang TV show o umigsi ang takbo ng teleserye.

Inihalimbawa rito ni Ogie ang pagkakapili kay Billy Crawford ng franchise owner na mag-host ng little big shots kahit siya ang personal choice ng kanilang TV network.


Pero sa kabila nito, nakuha naman siya sa isang TV Sitcom at hurado naman sa singing contest ng isang noontime show.

Dito raw ay na-realize ni Ogie na inilalagay talaga siya ni Lord sa musika.

Binigyang-diin din ni Ogie na wala siyang balak magretiro sa pagkanta.

At bilang pasasalamat sa tatlong dekada niya sa industriya… isang concert na pinamagatang “OA: Ogie Alcasid” ang ihahandog niya sa augst 24 sa Araneta Coliseum kung saan makakasama niyang mag-perform ang tatlo niyang anak na sina Leila, Sarah at Nate alcasid at ang asawang si Regine.

Facebook Comments