Sa isang sertipikasyon na inilabas ng Department of Agriculture Regional Field Office 1, ibinaba na sa PINK ZONE status mula sa RED ZONE ang bayan ng Bayambang pagdating sa African Swine Fever o ASF.
Ayon sa Municipal Agriculture Office, ibig sabihin nito ay hindi na ganoong kamapanganib ang bayan sa ASF matapos itong mag-comply sa lahat ng requirements para sa deklarasyon ng ASF-free zone.
Nangangahulugan din ito na hindi na isasailalim sa quarantine ang lahat ng baboy na nanggagaling dito.
Sa ngayon ay pinaghahandaan naman ang mga regulatory measure gaya ng DA sentineling program bilang pagtalima sa deklarasyon sa Bayambang bilang isang ASF-free municipality, upang mawala na ang agam-agam at pangamba ng mga hog raisers sa Bayambang at manumbalik ang sigla ng industriya ng babuyan. | ifmnews
Facebook Comments